Posted by: kawagib | January 10, 2008

Kabataang Moro, binaril ng guwardiya ng rubber plantation sa Sibugay: Patay!

Isang opisyal ng Liga ng Kabataang Moro, isang organisasyon na kasama sa alyansa ng Suara Bangsamoro, ang pinagbabaril ng  security ng TARBEMCO, isang rubber plantation cooperative sa Bgy. Tambanan, Naga, Zamboanga-Sibugay noong ika-8 ng Enero 2008 bandang alas-11:00 ng umaga.Bangkay na ng makita ng mga magulang si Sahiron Banggot, 22 yrs. old, nakatira sa Bgy Bacalan, Tamabanan, Zamboanga-Sibugay,  nag-aaral ng 4th year highschool sa Bacalan National Highschool.  Nagtamo siya ng pitong tama ng bala sa may likuran at dibdib.

Ayon sa mga magulang ni Sahiron na si Marticia at Nuroladji Banggot, magkasama sila ng anak na pumunta sa kanilang sakahanng saging sa  Bgy. Labang, Tambanan, kalapit ng TARBEMCO bandang alas-10:00 ng umaga para magtumba ng mga saging.  Kasama nila ang kaibigan ni Sahiron na si Joel Enriquez, 22, na siyang nakasaksi sa buong pangyayari.

Naunang umuwi ang mga magulang ni Sahiron at naiwan naman si Enriquez kasama  niya para kunin ang mga natumbang saging.  Ayon kay Enriquez, nang dumating sila sa may daan na nagsisilbing hangganan ng rubber plantation ay bigla silang pinagbabaril ng security ng TARBEMCO.

Sumigaw si Enriquez sa guwardiya at nagtanong bakit sila pinagbabaril.  Ayon kay Enriquez, biglang binalingan siya ng guwardiya at pinagbubugbog. Matapos bugbugin, hiniling pa rin ni Enriquez na isugod sa ospital ang kanyang kaibigan, ngunit imbes sa ospital sila dinala ng security guard  sa kulungan ito dinala.

Samantala iniwan naman si Sahiron at hindi isinugod sa ospital.  Ayon sa mag-asawang Banggot, banggkay na ni Sahiron ang huli nilang nakita at madali nilang inilibing alinsunod sa paniniwala ng Islam na hindi dapat abutin ng isang araw ang bangkay na hindi inililibing.

Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin alam kung nasaan ang kinaroroonan ng security guard na nakabaril kay Sahiron Banggot.  Hindi  rin alam ng mga mag-asawng Banggot  kung ano ang motibo ng gwardiya sa pamamaril.

Huniling rin  ng  magulang ni Sahiron  at  mga kasapian ng Liga ng Kabataang Moro sa Zamboanga-Sibugay at buong Mindanao ang hustisya para kay Sahiron Banggot.

Nanawagan ang Liga ng Kabataang Moro sa management ng  Tambanan Agrarian Reform Beneficiary Multi-Purpose Cooperative (TARBEMCO) na tulungan ang pamilya  Banggot sa paghingi ng hustisya sa pagkamatay ni Sahiron.

Si Sahiron Banggot ay tumatayong vice-chairperson ng Liga ng Kabataang Moro sa Bgy Bacalan chapter at nahirang na information officer naman sa Tambanan municipal chapter.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: